Friday, April 01, 2005
Tinagang Tugon

Gusto kong magparamdam ngunit wala akong gana
Kung gusto mong makipaglaro, sasali ako
Hindi ba't tama ang sinabi ko tungkol sa pag-ukol ng panahon?
Wala akong tampo sa iyo, pero masama ang loob ko
Kung ganyan din lang ang isasagot mo, huwag na rin lang
Mabuti naman at nakapagtapos ka na
Pareho lamang tayong nalulumbay
Dahil sa kakulangan ng ligaya
Walang isang araw na lumipas na inisip kita
Tanging alaala mo ay yaong nasa daliri ko
Bakit hindi ka na nagpapadala ng mga larawan?
Sana'y pagbutihan mo ang iyong pag-aaral
Unang hakbang pa lamang iyan
Hindi ko magawang tumugon dahil ipokrito ang dating
Pakibati mo kami sa binyagan
At sana'y masaya ang inyong Kapaskuhan
Marahil ito'y isang pamamaalam
Dahil hindi ko rin alam ang paroroonan.

Posted at 01:25 pm by Ondoher Prime
your 2 cents  




Thursday, December 09, 2004
On Being Conservative and Being Progressive...

You can never be too progressive
But you can always be too conservative
What you think may not be what you believe
And what you say may not be what you mean
What you are fighting against today
Was once your ally in a former struggle
And comrades you looked so highly yesterday
May just be another victim of yours tomorrow

A day will come when your progressive mind
Will crumble under the waves of change
And the foundations you have been bound to
Have become rotten and rooted too deep into the ground
The world you once lived in has gone on before you
And you are left behind, alone to miserably age

Posted at 10:08 pm by Ondoher Prime
your 2 cents  




Thursday, November 25, 2004
Pagtimbang

Gusto ko, pero ayaw ko
Hindi dapat, kahit pa man maaari
Walang dapat gawin sapagkat
Wala namang dapat pag-isipan
Walang mapapala, walang hahantungan

Posted at 01:49 pm by Ondoher Prime
your 2 cents  




Sunday, November 14, 2004
Justice


When will the deeds be weighed?
When will the voice be heard?
When will the blood spilled wash false sins?

When will the hammer fall?
When will the thoughts be known?
When will the hand write on the wall?

When will the mute shout?
When will blind see the light?
When will the monkey become a man?

When will logic gain ground?
When will shed tears be of joy?
When will you triumph?

Posted at 10:01 am by Ondoher Prime
your 2 cents  




Thursday, November 04, 2004
Mag-anak

Dugo sa dugo,
Laman sa laman,
Bagama't may mga pagkakataong hindi.

Magulang sa anak,
Kapatid sa kapatid,
Mayroon pa ring ugnayan, kahit maliit.

Ang kahapon ay lumipas na,
Ngunit ganito pa rin ang kasalukuyan.
Papaano na kaya ang bukas?

Ngunit hindi nabubura.
Hindi mababago.
Hanggang katapusan mag-anak.
Tayong apat.

Tayo.

Posted at 01:51 am by Ondoher Prime
your 2 cents  




Monday, November 01, 2004
Biyaya

Nakatutuwang binigyan pa ako ng biyaya
Nang ang hanap ko na lamang ay kamalasan
Marahil nga'y hindi ko dapat hinanap-hanap
Sapagka't sa pagkatagal-tagal ay naroon na pala

Hindi mo malalaman kung gaano kita kamahal
Sapagka't ako mismo, hindi rin lubos masukat
At kung ako ay nagkukulang sa iyo
Huwag mong iisiping ito'y tuluyan nang naglaho

Sa bawat araw mula nang makilala ka
Gusto kong ubusin ang bawat segundong ikaw ang kasama
Ikaw ang bakasyunan ng aking puso't isipan
Mula sa kabalisaan ng mundong ating ginagalawan

Hindi ko masasabi kung hanggang kailan
Mag-aapoy ang mga puso nating kay tatag
Ngunit araw-araw ay mayroon akong naiipong
Panggatong para matanggal ang ginaw

Hindi ko pa alam kung saan tayo patungo
Ngunit iisa lamang ang sigurado ako:
Saan ka man mapunta at nasaan man ako
Pumagitna man ang malawak na Pasipiko
Mapaligiran man tayo ng Kanô, Kastila, Bumbay o Hapon
Sa puso't isipan gusto kong ikaw ang kasama ko.

Posted at 06:33 am by Ondoher Prime
your 2 cents  

A Colder Winter

I walked the dimly lit streets
The air is dirty and humid
But I see the smiles on their eyes

I woke up to the chaos
Of kinsfolk and neighbours alike
In a way, music to my ears

Usual tidings of gloom
That I saw, read and heard
Fueled my heart and soul to action

When will I see your face again
And be cradled in your arms?
For I only see empty faces here
And hear the deafening silence
Such a long season, this winter is.






Posted at 06:10 am by Ondoher Prime
1 dropped their 2 cents (1)  




Sunday, October 31, 2004
Hibang na Paghahanap

Walang malunggay, walang alugbati
Naghahanap ng ulam na diningding
Bawal magprito ng tuyô o ng daing
Wala ring hipong buhay pa pero agad nakakain

Bakit walang itim na usok na nagpapaitim sa hangin?
O kantong may naipong basurang nagdadala ng sakit?
At kahit magdamag nang bumuhos ang ulang mabagsik
Ni munting baha sa gilid ng kalsada, wala pa rin

Nasaan na ang kinaiinisan kong trapik?
May papasok ba sa bus para maglakô ng tubig at mani?
Walang kalsadang lubak, walang wang-wang, walang nakasabit
At bakit hindi amoy pawis ang aking katabi?

Wala bang may pakialam kapag mayroon akong suliranin
Na maaaring tawagan gaano man kagabi?
Hindi ko maintindihan kung bakit kay manhid
Sobra ang katahimikan, nakabibingi

Naroon pa rin ang paghahanap
Para sa iyo, para sa iyo
Bagama't hindi ka perpekto
Ako ay napamahal sa iyo

At sa iyo lamang.

Posted at 09:56 am by Ondoher Prime
your 2 cents  

Aparato

kailan kaya magkakaroon ng aparatong makapagsasalin ng mga bagay na nasa isip ko sa mismong oras na lumitaw ito? minsan kasi, ang hirap isulat: nawawala o nagbabago ang puntong nais iparating. sa una'y isang paksa ang naglalaro sa isip, wala pang sampung segundo, panibago na naman. marahil marami akong iniisip kung kaya't palaging nag-iiba. o baka naman nagiging tamad na akong magsulat? pansin ko kasi, mabilis nang mapagod ang kamay ko kapag nagsusulat ako. ibig sabihin ba nito'y kailangang magsimula, sanayin at ipagpatuloy ko ang pagsusulat para maengganyo akong magsulat pa lalo. sinasabing may kaugnayan ang katawan at ang isipan - marahil isang halimbawa ito.

marahil hindi aparato ang kailangan ko.


Posted at 08:36 am by Ondoher Prime
your 2 cents  




Next Page



   





<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31






Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed